Hindi ko masagot ang sarili ko kung kaya ko nga ba talaga na tuluyan na umiwas sa aking bisyo sa paninigarilyo. Alam ko masama ang paninigarilyo at wala itong pinagkaiba sa mga naging biktima ng ibang uri ng bisyo gaya na lamang ng droga.
Di biro ang malulong sa isang bisyo lalung-lalo na kung ito ay may sangkap na nakakapanghikayat sa utak ng isang tao. Kung ikaw ay na lulong na sa paninigarilyo ng mahabang taon mahirap na itong tangalin sa pang araw-araw mong gawain ito ang aking paniniwala at mahirap talaga itong tangihan.
Ngunit marami ng mga bagay-bagay na naglabasan upang pigilan ang ganitong bisyo, mayroon tayong maririnig na “patch” iwan ko kung anu yan at hindi ako interesado pang alamin kung anu nga ang malinaw na gamit ng patch na iyan. Maraming pang ibang kaparaanan upang ang paninigarilyo ay tuluyan na maiwasan at ito ay hatid ng agham o syensya (science) at hindi konsensya (anu na nga ba ingles dito? Watever!)
Kung ikaw ba ang tatanungin gusto mo bang umiwas sa ganitong bisyo o pababayaan mo nalang hangang ikaw ay mamatay ng dahan dahan dulot ng mapaminsanla at halu-halong kemekal na iyong hinihithit habang ikaw ay nag sasaya sa iyong paninigarilyo?
At kung ako naman ang tatanungin, ang aking maisasagot ay “hindi ako sigurado” at hindi ako nangangako sa aking sarili o kahit kanino pa man kung ako’y iiwas na nga ng tuluyan sa aking bisyo. Tignan mo nalamang sa aking pamagat, makikita mo na hindi ako sigurado kung kaya ko nga talaga itigil ang aking bisyo, sa kadahilanan na aking utak ay nag uudyok na gumamit at mag saya pa ako sa aking bisyo na paninigarilyo.
Sa kasalukuyan ako ay nasa ika tatlong araw sa pag iwas sa aking bisyo at ito ay aking nilalabanan upang masanay at makundisyon ko ang aking utak na huwag na akong tuksuhin sa paninigarilyo. Ito ang aking nakitang solusyon at hindi ang pag-gamit ng iba’t-ibang uri ng gamot o iba pang kaparaanan.
Dahil kung ito ay iyong susuriin hangang sa nag umpisa ang aking bisyo, ako na mismo ang nagturo sa aking utak na hanap hanapin ang paninigarilyo hangang dumating sa punto na ako na rin ang tinuturuan ng aking sariling utak at ipagtulakan ako para hanap-hanapin ang paninigarilyo.
Sa madaling salita, ako na rin mismo ang makakapagpigil sa aking sariling utak at makundisyon ko ito upang matigilan ang masamang gawain na minsan aking itinuro sa aking sarili at sariwang isipan. Marahil marami pang ibang kadahilanan upang ang isang tao ay masumpungan at itigil ang anu mang uri ng bisyo, gaya na lamang ng pakikinig ng payo galing sa isang kaanak, kasambahay, o isang kaibigan na tutol sa paninigarilyo.
At kung ako naman ang tatanungin kung panu ko na simulan ang pagiwas sa bisyo ay dahil sa mungkahi ng isang kaanak at ilan pang mga kaibigan na tumigil na nga ako o kami sa paninigarilyo na wala naman maidudulot kung hindi sakit at panghihina sa pisikal mung kalusugan.
Nag simula ako sa pagiwas sa aking napakatagal ng bisyo at ito ay aking pinigilan sa pamamagitan ng pag gawa o pag libang ng aking sarili gaya ng pagkain, paglalaro, pag-ehersisyo, panunood ng penikula, at higit sa lahat ang pagtulog–tuwing nararamdaman ko na ako ay takam na takam na sa paghithit ng yosi. Yan lamang ang ginawa ko ng unang araw at napalampas ko ang buong araw na hindi ako nag yosi.
Ng ikalawang araw naman ay ganun pa din naman ang aking ginawa. Pero nakararamdam ako ng sakit ng ulo at panghihina na para bang tamad na tamad kang tumayo o magisip man lang. Kaya halos itinulog ko nalang ang halos buong araw. At pag kagising ko naman ng bago maghapunan ay naisipan ko kumain ng maahang na noodles para maalis yung parang gusto ko mag yosi ng maski isang stick man lang.
Ang nakakatuwa sa ikatlong araw, at ito yun habang sinusulat ko itong blog ko ay medyo nakakapagisip na ako ng maayos at bukas ang isipan sa kung ano man dapat ko pang isipin. Pero may kunti pa rin ako nararamdaman o pagiisip sa paninigarilyo pero ang nangyayari sa akin ngayon ay isa ng panghihinayang sa aking unang dalawang araw na pag iwas sa aking bisyo.
Kaya ito ako ngayon umaasa na mapaglabanan ko ang tukso ng bisyo at umaasa na mahigitan ko pa ang pinag daanan ko ng unang mga araw hangang sa malimutan ko na ng tuluyan ang yosi o yung winston red na aking brand hehehehehe.
F@#k You Winston Go To Hell!!!!
Break muna ako at itutulog ko muna ito para kasi gusto ko na bumili ng isang stick na yosi hehehehe.